Suportado ng mga business leaders ang anumang quarantine restrictions na ipapatupad ng gobyerno sa buwan ng Agosto dahil sa pagtaas ng kaso ng Delta variants.
Ayon sa kanila na maganda ang tiyempo ng paghihigpit lalo na at itinuturing ang buwan ng Agosto bilang “ghost month”.
Base kasi sa pamahiin ng mga negosyante na hindi maganda sa kanilang negosyo ang “ghost month”.
Pinangunahan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion at Philippine Chamber of Commerce and Industry Exporters Confederation of the Philippines Chairman George Barcelon at Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry (FFCCCII) President Henry Lim Bon Liong, ang pagsang-ayon sa lockdown.
Ipinanukala nila na dapat mabigyan sila ng sapat na araw bago ipatupad ang mas mahigpit na quarantine restrictions para sila ay makapaghanda.