-- Advertisements --
Dumepensa ang grupo ng mga panadero sa bansa sa plano nilang pagtaas ng presyo ng kanilang mga panindang tinapay.
Ayon kay Lucito Chavez ang pangulo ng Asosayon ng Panaderong Pinoy, na hindi lahat ng uri ng tinapay ang nakatakdang magtaas ang presyo sa susunod na buwan.
Tanging ang mga uri ng tinapay na ang may kakayahan na bumili ay yung mga nasa middle income na Pinoy.
Ito aniya ang tanging nakikita niyang paraan para makabawi ang ilang bakery owners sa pagtaas ng mga raw materials na ginagamit sa paggawa ng tinapay.