-- Advertisements --
Hiniling ng Philippine Retailers Association (PRA) sa gobyerno na patawan ng value-added tax (VAT) ang mga produkto na ibinibenta sa iba’t-ibang uri ng online platforms.
Sinabi ni Philippine Retailers Association (PRA) president Roberto Claudio, na tila lugi silang may mga physical store kumpara sa mga online stores.
Giit nito na ang mga cross-border na mga online sellers ay hindi nakakabayad ng sapat na buwis.
Nais nilang mabago ang kautusan sa ilalim ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue Regulation 003-2005 na inilabas noong Enero 16 na ang mga pagbebenta, suplay at delivery ng mga physical goods mula sa ibang bansa ay hindi na papatawan ng VAT sa digital services.