-- Advertisements --

Nakatakdang bumiyahe sa Wuhan, China ang 10 international scientist.

Ito ay para imbestigahan ang pinagmula ng COVID-19.

Ayon sa World Health Organization (WHO), layon ng nasabing pagtungo nila ay hindi para sisihin ang nasabing bansa at sa halip ay para hindi maulit pa ang nasabing insidenteng pagkalat ng virus.

Magtatagal ang pananatili ng mga ito ng hanggang 5 linggo.

Magugunitang naging mailap ang China na magpaimbestiga kung saan naunang lumabas ang usapin na galing umano sa pagleak ng isang kemikal ang nasabing COVID-19.