-- Advertisements --
Photo © Urban Tech Santa Ana

TBILISI, Georgia – Abala ang grupo ng mga scientist sa Georgia para sa plano nilang makapagpatubo ng ubas sa planetang Mars.

Nabatid na ang Georgia ay isa sa mga bansang unang nagpakilala ng iba’t-ibang klase ng alak sa buong mundo, mula sa kanilang mayamang lupain sa mga klase ng grapes.

Ayon sa astrobiologist na si Marika Tarashvili, nakadiskubre na sila ng bacteria para ikondisyon ang halaman ukol sa klase ng lupa sa Mars.

Para naman sa founder ng Space Farms na si Tusia Garibashvili, hindi malayong magamit ang kanilang mga natuklasan kapag narating na ng tao ang “Red Planet.” (AFP)