-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Nag-aalok ng sikolohikal na tulong ang isang grupo ng mga social workers para sa lahat maging sa mga frontliners na naaapektohan ng epekto ng covid-19.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Dr. Loveleih Quemado, group leader ng United Registered Social Workers for Region 12, bukas ang kanilang tanggapan at ang kanilang mga volunteers sa pagtanggap sa sinumang indibidwal kabilang na ang mga nangunguna sa kampanya laban sa naturang sakit na nais matulungang mapawi ang pangamba at takot.

Ayon kay Quemado, nakahanda ang kanilang mga guidance counselors at psychologists sa pagbigay ng mga advice sa buong rehiyon.

Maliban dito, namamahagi rin sila ng mga leaflets ukol sa coronavirus disease upang mapalawak pa ang kaalaman sa pag-iwas sa naturang sakit.

Tiniyak rin ni Quemado na mananatiling confidential ang pagkakakilanlan ng mga indibidwal na dudulog sa kanila maging ang ibabahaging mga impormasyon.