VIGAN CITY – Ikinatuwa ng isang opposition partylist na nagtataguyod sa karapatan ng nga guro sa bansa ang sinabi ng Department of Budget and Management na mayroon ng pondo para sa dagdag-sahod ng mga public school teacher sa bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni ACT Teachers’ Partylist Rep. France Castro na natutuwa umano ang kanilang grupo dahil sa magandang development ng kanilang matagal nang ipinaglalaban.
Ngunit, hindi naman ikinaila ni Castro na nakukulangan sila sa posibleng dagdag sahod na tanggapin ng mga guro sa mga susunod na taon dahil matagal umano nilang hinintay na madagdagan ang kanilang suweldo mula nang magsimula sila sa pagtuturo.
Kaugnay nito, hiniling ng mambabatas na maghanap pa ng iba pang mapagkukunan ng pondo ang pamahalaan upang madagdagan pa ang sahod ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.