-- Advertisements --
Ikinabahala ng Coalition for Epidemic Preparedness Innovations (CEPI) ang naging pahayag ng US na hindi sila sasali sa pantay na pagbili ng bakuna laban sa coronavirus.
Sinabi ni Richard Hatchett, ang namumuno ng CEPI, nakakabahala na baka ang US at ibang mga mayayamang bansa ay nakapagreserba ng unang doses ng mga bakuna para sa sarili lamang nila na gagastusan ng ibang bansa.
Dapat ang bakuna raw ay maibahagi ng pantay-pantay sa buong mundo.
Positibo ito na sa unang anim na buwan ng 2021 ay magkakaroon na ng bakuna laban sa COVID-19.