-- Advertisements --

Nagtipon ang grupo ng women rights defenders sa harapan ng Department of Justice (DOJ) sa Maynila, panawagan ang pagpapalaya sa mga political prisoner at wakasan ang terror law.

Sa statement na nakuha ng Bombo Radyo sa grupo ng Tanggol Bayi, inakusahan nito ang DOJ hinggil sa umano’y gawa-gawang kaso na isinampa laban sa mga political activist kagaya na lamang ni Dr. Natividad Castro na nagsilbi bilang community doctor simula noong 1996 na natagged bilang terorista noong Desyembre 2022 ng Anti-Terrorism Council bilang ‘terrorist individual’.

‘Several women rights defenders and activists have been charged with violations of anti-terror and terrorist financing laws.., but more bogus terrorism charges loom in the horizon as state repression mounts,’ pahayag ng grupong Tanggol Bayi.

Pruweba lamang aniya ito ng malisyoso at walang basehang pag-aakusa ang ginawa ng mga ito kung saan marami nang mga kaso anila ang na dismissed laban sa political activist.

Dagdag pa ng grupo na patuloy silang ni re-red tag bilang terorista upang pilit na patahimikin hingil sa mga pinaglalaban ng mga ito.

‘Women human rights defenders in the Philippines are being red-and terror-tagged in order to turn public opinion against them and set them up for graver human rights violation such as extrajuditial killing, enforced disappearance and arrest and detention on trumped-up charges,’ dagdag ng grupo.

Sa kabuuang total mayroong 755 political prisoner ang na tag bilang terorista, 147 dito ay puro kababaihan kung saan labag anila sa kanilang mga karapatan ang ginagawang panggigipit ng pamahalaan sa mga womens right advocates.

Humiling naman ang Women activist ng agarang pagpapalaya sa mga; ‘women political prisoners who have been falsely portrayed as criminals for their activism,’ saad ng grupo.