-- Advertisements --
Binalaan ng grupong Ban Toxics ang publiko hinggil sa mga hindi rehistradong insecticides sa Food and Drug Administration.
Ginawa ng grupo ang pahayag kasabay ng tumataas na kaso ng Dengue sa Pilipinas.
Kabilang sa mga tinukoy ng grupo ay ang mosquito coils o katol, aerosol at mga pamahid kontra sa lamok at insekto.
Ayon kay BAN Toxics Campaigner Thony Dizon, kailangang suriin mabuti ang pangalan ng mga produkto kung ito ay registered sa FDA.
Ito ay upang di mabili ang mga produkto na mayroong nakalalasong kemikal na maaaring makaapekto sa kalusugan pati na rin sa kapaligiran.
Hinikayat rin nito ang mga LGU na magsagawa ng fogging laban sa Dengue.