-- Advertisements --

Binabalangkas na ng grupong Center for Energy Research and Policy ang mga kaparaan kung paano makakatipid ang publiko sa pagkonsumo ng kuryente.

Ayon kay Atty. Noel Baga, energy experts, kasama nila ang mga ilang eksperto at gumagawa ng pag-aaral kung ano ang pinakamagandang enerhiya para sa mga Pinoy.

Nakipagpulong na rin ang grupo nila sa mga opisyal ng Department of Energy at ilang mga ahensiya para ipaabot ang kanilang mga pag-aaral.

Sa mga susunod na mga araw aniya ay ilalabas nila ang mga research nila ukol sa mabisang paraan sa pagkonsumo ng kuryente.