CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi lulubayan ng Philippine Army ang pagsagawa ng mga operasyon upang tuluyang bumagsak ang kilusang Dawlah Islamiya na nasa likod ng local terrorist activities sa Mindanao.
Kasunod ito nang pag-amin ng ahensya na seryosong potential security threat ang grupo para sa darating na 2025 midterm elections.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Demaala na ayaw na nila maka-porma pa ang kilusang armado upang hindi makapaghasik ng karagdagang panggugulo sa darating ng halalan.
Ginawa ni Demaala ang pahayag kaugnay sa pinakaulahing pinag-isang operasyon ng pulisya at militar laban sa DI members kung saan lima ang nasawi habang tig-isa ang sugatan at arestado.
Magugunitang una nang sinabi sa Bombo Radyo ng opisyal na mayroon na silang listahan ng mga lugar na maaring magkaroon ng intense political rivalvries sa halalan sa susnod na taon.