-- Advertisements --

Hindi pa malinaw sa militar ngayon ang bandidong Abu Sayyaf ang responsable sa panibagong insidente ng pagdukot sa may bahagi ng Tawi-Tawi.

Pitong mga banyaga na tripulante ng isang Vietnamese vessel ang dinukot ng armadong grupo.

Subalit ang Abu Sayyaf ang pinaghihinalaan dahil sila lamang ang grupo na kilalang nago-operate sa nasabing lugar.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo, na sinalakay ng mga armadong grupo ang isang Vietnamese vessel kung saan lulan dito ang 17 mga tripulante.

Batay naman kay Joint Task Force Tawi-Tawi Commander BGen. Custodio Parcon na nagsasagawa ngayon ng hot pursuit operations ang mga tropa ng Philippine Marines para ma-locate ang lugar kung saan dinala ang pitong bagong bihag na pawang mga banyaga.

Hindi rin makumpirma ng militar kung ilang armadong rebelde ang sumalakay sa Vietnamese vessel.

Inihayag din ni Arevalo na isang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ngayon para