-- Advertisements --

Inatake ng bomb-carrying drone ng grupong Houthi ng Yemen ang US-owned ship sa Gulf of Aden sa Indian Ocean matapos pangalanan ng America ang militanteng grupo bilang global terrorists.

Ayon sa National Security Advisor ng America na si Jake Sullivan, ang pagiging global terrorist ng Houthi ay dahil sa mga ginagawang pag-atake nito sa mga commercial shipping. 

Dagdag pa nito, nararapat lang umanong tawagin ang Houthi na terorista dahil nilalagay nito sa panganib ang US personnel gayundin ang global trade operations. 

Ayon naman sa kapitan ng Genco Picardy, nagkaroon ng pagsiklab ng apoy sa barko na agad namang naapula. Aniya, walang naitalang nasugatan sa mga crew at ligtas naman daw ang kabuoan ng barko. 

Kinumpirma ng Houthis na paparating pa ang mas maraming pag-atake bilang ganti sa pag-atake umanong ginawa ng America. 

Noong mga nakaraan na linggo ay naglunsad ng pag-atake sa mga Houthis ang America at mga kakampi nitong bansa subalit hindi nagpatinag ang militanteng grupo sa pag-atake sa mga cargo at energy shipments dahilan para maantala ang mga ito sa karagatan.