-- Advertisements --

Grupong IBON Foundation,nanindigan na luho lang ang Maharlika investment fund at mga opisyal at cronies ng Marcos administration ang makikinabang

ILOILO CITY- Tinuturing ng grupo na IBON Foundation na isang malaking luho lamang ng pamahalaan ang Maharlika Investment Fund bill na sa ngayon ay lagda na lamang ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang hinihintay upang maging ganap na batas.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mr. Sonny Africa, executive director ng IBON Foundation, sinabi nito na tanging ang ilang mga opisyal ng gobyerno lamang at mga cronies ng Marcos administration ang makikinabang dito.

Ayon kay Africa, kwestyonable ang nasabing panukala kapag naging batas dahil nasa gitna ng financial crisis ang bansa at wala ngang sapat na pondo para sa mga programa ng gobyerno.

Dagdag pa ni Africa,kung may sapat umanong pera ang gobyerno, hindi dapat ito dudukot lang ng pera mula sa government financial insitututions at corporations katulad ng Land Bank of the Philippines, Development bank of the Philippines at Philippine Amusement and Gaming Corporation upang gawing seed capital.

Ang mas mainam aniyang gawin ng gobyerno ay buwisan ang mga bilyonaryo sa bansa upang siyang gamitin sa Maharlika Fund.