-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nagsagawa ng candle-lighting ceremony ang mga membro sa grupong MAISUG-Butuan kagabi sa may Guingona Park nitong lungsod bilang pagkondena sa ginawang pagpasok ng pulisya sa labas at loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City upang hulihin ang kanilang lider na si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Engr. Dioric Gavino, ang Secretary General ng Sara All Movement, nakita nila na harassment ang ginawa ng pulisya na hindi lamang concern ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ kondi pati na rin sa mga mamamayang Pilipino.

Ayon kay Gavino, mariin nilang kinondena ang labag sa batas na pag-serve ng mga pulis sa warrant of arrest para sa kanilang pastor at ibang mga co-accused nito.