-- Advertisements --
Magsasagawa ngayong araw ng Lunes ,Enero 13 ng kilos protesta ang transport group na MANIBELA.
Isasagawa nila ang nasabing pagtitipon sa harap ng opisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Layon ng nasabing kilos protesta ang pagkontra nila sa public utility vehicle modernization program (PUVMP) ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sinabi ni Manibela president Mar Valbuena na aabot sa 8,000 na mga miyembro nila ang makikibahagi sa nasabing kilos protesta.
Pinasinungalingan din nito ang pahayag ng LTFRB na mayroong 86 percent ng mga operators ng pampasaherong sasakyan ang tumugon o nakibahagi sa PUVMP kung saan karamihan sa mga dito ay ang binawi ang kanilang aplikasyon.