Nagpaabot ng pasasalamat ang transport group na Manibela sa 22 mga senador na nagpahayag ng suporta sa pagsususpinde ng PUVMP.
Bilang ganti, magbibigay sila ng libreng sakay sa mga pasaherong maapektuhan sakaling matukoy ang kilos at tigil pasada ng mga transport group na nag consolidate sa ilalim ng naturang programa sa araw ng Lunes.
Ito kasi ang naging babala ng transport grupo na magnificent 7 dahil 83% percent aniya sa kanila ay consolidated na at pabor sa implementasyon ng naturang program isa.
Ayon naman Kay Manibela Chairman Mar Valbuena, sa kabila nito ay patuloy ang kanilang panawagan nila kay Pangulong Marcos Jr na tuluyan nang suspendihin ang implementasyon nito.
Nasa kamay pa rin kasi ng pangulo kung ano ang magiging kapalaran nito, kung ito ba ay papaburan o ibabasura.
Naniniwala si Valbuena na sa pagkakataong ito ay narinig ng mga senador ang kanilang hinaing kayat labis nila itong ikinakatuwa.
Una nang sinabi ng Manibela na hindi sila kontra sa Modernization ngunit hindi aniya makatarungan ang PRESYO ng modern jeep.
Marami kasi aniya na mga driver at operator ang maaapektuhan sakaling maipatupad ang programa dahil maliit na nga lang ang kita, mapupunta pa sa sa hulugan na jeep.