-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Umaasa si Atty. Sonny Matula, chaiman ng Nagkaisa Labor Coalition na maibalik sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang 60- bilyong peso na pondo na inilipat sa national treasury.
Ito ay matapos nagpalabas ng temporary restraining order ang korte upang ihinto ang pag-transfer sa 90 billion pesos kungsaan 60 billion na ang na-transfer.
Ayon sa labor leader, may tatlong petition ang isinampa ngayon sa korte upang maibalik ang nasabing halaga. Ito ay ang petisyon galing kay Senador Koko Pimentel, Bayan Muna at 1 sambayan.
Ngayong Pebrero 2025 naman itinakda ang oral argument kungsaan ang executive department na siyang respondent ay magbibigay din ng kanilang paliwanag.