-- Advertisements --

Walang balak na magsagawa ng kilos protesta o transport strike ang grupong PISTON at Manibela sa araw ng bagong taon.

Ayon kay Mody Floranda National President ng Piston, sasamantalahin ng mga driver at operator ng pampasaherong jeep na kumita sa araw ng bagong taon.

Bagama’t walang petsang binanggit sinabi ni Floranda na may plano pa rin silang transport strike at kilos protesta sa susunod na taon.

Ito ay bilang pagtutol pa rin sa consolidation ng franchise ng mga jeepney sa ilalim PUV modernization program.

Kahapon isinagawa ng grupong PISTON at Manibela ang kilos protesta at transport caravan.

Ang kilos protesta ay nagsimula sa Mendiola nagsimula naman ang transport caravan sa commonwealth avenue at nagtungo sa lungsod ng Maynila.