Nagbabala ang grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o PISTON kung ipipilit ng gobyerno ang PUV modernization program.
Kinondena nila ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na hindi na palalawigin pa ang December 31 deadline para sa consolidation.
Ayon kay Mody Floranda National President ng PISTON, dapat ay masusi munang pag-aralan ng gobyerno ang programa dahil marami pag hindi pa nakakapag-consolidate at nakapag-modernized ng mga sasakyan.
Babala ni Floranda na sakaling ipilit ng gobyerno ang programa ay posibleng makaranas ang bansa ng krisis ng transportasyon na tiyak aniyang makaapekto saating ekonomiya.
Samantala, nauna nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi palalawigin ang PUV consolidation matapos ang itinakdang petsa na December 31.