LAOAG CITY – Magpapadala mamayang gabi ang grupong Pugad Lawin ng Ilocos Norte ng mga school supplies para sa mga estudyanteng nagpapatuloy ang kanilang pag-aaral habang nasa evacuation center sa probinsiya ng Batangas.
Sa panayam kay Engr. Neil Jose, namumuno sa Pugad Lawin Ilocos Norte at incoming president ng Pugaw Lawin sa Pilipinas, ito ang nakikita ng kanilang mga kasamahan sa Batangas na pagkukulang kaya’t naisipan nilang magbigay ng school supplies para makapagpatuloy ang mga estudyante sa kanilang mga aralin.
Ani Jose na nakikita ng mga kagrupo nila na nagtuturo ang mga guro sa mga estudyanteng nananatili sa evacuation centers.
Sinabi pa ni Jose na masyadong marami na ang mga ipinapadalang used clothes at bottled water dahilan upang magpadala sila ng mga kinukulang kagaya ng libro, kwaderno, papel, ballpen at lapis para maging kumpleto ang pangangailangan.
Dagdag nito na base sa obserbasyon ng kanilang kagrupo ay nagkalat ang mga used clothes at mga bottled water dahil sa dami nito na ibinigay ng mga iba’t-ibang grupo na nagbigay ng sa mga residente ng Batangas.