-- Advertisements --
Nilinaw ng legendary group na Village People na wala silang iniindorsong kandidato sa pagkapangulo sa US.
Kasunod ito sa makailang ulit na paggamit ni US President Donald Trump ng kanta ng grupo na “YMCA” sa kaniyang kampanya.
Ayon sa lead singer ng grupo na si Victor Willis, wala silang kandidato na iniindorso.
Makailang beses na rin nilang sinulatan at pinagsabihan ang campaign staff ni Trump na itigil ang pagpapatugtog ng kanilang kanta sa kampanya.
Kahit aniya na hindi gamitin ng sinumang kandidato sa kanilang kanta ay pumapatok naman sa anumang platform.