image 57

Inihayag ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno na maaari pa ring maging bahagi ng maharlika investment fund ang Government Service Insurance System at Social Security System.

Ito ay sa kabila ng inaprubahang bersyon ng maharlika bill ng kongreso na nagbabawal sa mga government-run pension funds at health insurnace na mamuhunan sa maharlika investment fund.

Ipinaliwanag ni Diokno na kung sa tingin aniya ng dalawang ahensya ay mayroong pakinabang para sa kanilang ang maharlika ay maaari pa rin itong “Mag-subscribe” sa mga aktibidad ng maharlika investment corportation sa aspetong “Project level” at hindi sa mismong korporasyon.

Ngunit kaugnay nito ay una nang binanggit ni GSIS President and General Manager Jose Arnulfo “wick” veloso na maaga pa lang ay nagkaroon na ng mga talakayan na hindi gagamitin ang pension fund para sa sovereign wealth fund.

Ang maharlika bill kasi na inaprubahan ng senado at pinagtibay ng house of representatives ay nagbabawal sa mga government-owned and controlled corporations na nagbibigay ng social security at public health insurance tulad ng GSIS, SSS, Philhealth, PAG-IBIG fund, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), and the Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) pension fund mula sa pamumuhunan sa mif at pag-aambag sa capitalization ng Maharlika Investment Corporation (MIC).

Nauna nang sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na ang ganap na pagbabawal sa mga state pension funds ay hindi magiging hadlang sa pagkamit ng layunin ng panukalang mif.

Sinabi rin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” marcos jr., na walang intensyon ang pamahalaan na gamitin ang mga pondo ng pensiyon ng estado bilang isang “Seed fund” para sa iminungkahing mif.