-- Advertisements --

Pansamantalang uupo bilang officer-in-charge ng Government Service Insurance System (GSIS) ang chairman ng ahensya na si Rolando Macasaet.

Sinabi ni GSIS Vice President Margie Jorillo, mismong GSIS board ang pumili kay Macasaet kasunod ng rekomendasyon na rin ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Ang rekomendayon ng Finance Department ay alinsunod umano sa Executive Order No. 251 na nagsasabing saklaw ng administrative supervision ng DOF ang ilang government financial institutions gaya ng GSIS.

Magugunitang tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni GSIS President at General Manager Jesus Clint Aranas.

Personal na dahilan ang sinasabing rason ng pagbibitiw ni Aranas pwro walang detalye kaugnay nito sa kanyang resignation letter.

Samantala, sa naging boad meeting ng GSIS rin, binawi ng board ang mga naunang resolusyon kaugnay sa planong pagbebenta ng port area property partikular ang nasa
Manila International Port Authority.

Ito ay hanggang pinagaaralan pa umano ang pagbebenta at hindi pa naisasangguni sa lahat ng stakeholders.