-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakalockdown ngayon ang Government Service Insurance System (GSIS) Iloilo.

Ito’y matapos nagkahawaan ng COVID-19 ang 23 mga empleyado na sa ngayon ay naka quarantine na.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Engr. Michael Arancillo, information officer ng GSIS Iloilo, sinabi nito na magtatagal ang lockdown hanggang sa Hunyo 6.

Kaagad namang isinailalim sa swab test ang mga naka close contact ng nasabing mga empleyado.