Handa ng magbigay ang Government Service Insurance System (GSIS) ng emergency loan sa mga miyembro at pensiyonado nito sa Caraga Region na naapektuhan ng 7.4 magnitude na lindol na yumanig sa Surigao del Sur.
Sinabi ng GSIS na ang programa nitong Emergency Loan ay handa nang i-avail ng kanilang mga kwalipikadong miyembro.
Ang mga walang umiiral na emergency loan ay maaaring humiram ng hanggang P20,000.
Samantala, ang mga may umiiral na balanse sa emergency loan ay maaaring humiram ng hanggang P40,000 para mabayaran ang kanilang nakaraang balanse sa emergency loan at makakatanggap pa rin ng maximum net amount na P20,000.
Idinagdag ng GSIS na ang mga pensiyonado ay karapat-dapat ding mag-apply para sa pautang na P20,000.
Sinabi ng GSIS na ang mga miyembro at pensiyonado na naapektuhan ng lindol ay maaaring mag-apply para sa emergency loan gamit ang GSIS Touch mobile application