-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang naganap na data breach sa kanilang opisina.

Ayon sa GSIS na kabilang ang isang administrator accoutn at isa sa kanilang computer ang sinasabing napasok umano ng ng mga hackers.

Agad na tinanggal online ang nasabing mga apektadong computer para hindi na lumala pa ang data breach.

Inaalam pa nila kung gaano na kalawak ang naapektuhan nito.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa mga iba’t-ibang ahensiya para matukoy kung sino ang nasa likod ng nasabing data breach.