-- Advertisements --

Magkakaroon na ng express lane para lamang sa mga public school teachers at ilang impleyado ng Department of Educations (DEPED) ang lahat ng Government Service Insurance System (GSIS) branches sa bansa.

Ito ang naging bahagi ng Memorandum of Agreement ng DepEd at GSIS para mabigyan ng kakaibang karanasan ang mga guro.

Ilan pang nakalagay sa nasabing inisyatibo ay ang pagkakaroon ng GSIS hotline para sa mga guro at ang pagpapakalat ng account officers na siyang tatayo bilang opisyal at exclusive liasons sa mga kakailanganin ng mga guro.

Magkakaroon din ng taunang talakayan ng lahat ng mga GSIS at DepEd sa ibat-ibang rehiyon para matugunan ang anumang problemang kinakaharap ng mga guro.

Magugunitang nitong nakaraang buwan pa lamang ay nagbukas ang GSIS ng Multi-Purpose Loan Flex program para sa mga public school teachers na nagbibigay ng mababang interest rate at mahabang payment terms sa mga loans.