-- Advertisements --

Nakatakdang mag-alok ang Government Service Insurance System (GSIS) sa kanilang miyembro ng mga magagaan na pautang.

Sinabi ni GSIS president and general manager Arnulfo Veloso na sa buwan ng Oktubre ay kanilang ilulunsad ang Multi-Purpose Loan Lite kung saan papayagan ang mga miyembro na umutang ng mula P5,000 hanggang P 50,000.

Dagdag pa nito ang nasabing loan ay para sa mga emergency na kailangang mabayaran agad.

Mayroong termino ito ng hanggang isang taon at mabilis ang nasabing pagproseso nito.

Bahagi rin ng mablisang sebisyo ay ipinagmalaki nito na nasa 99 percent ng kanilang serbisyo ay digital na.