-- Advertisements --

Maari nang mag-apply ng loan online ang mga miyembro at pensioners ng Government Service Insurance System (GSIS) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa isang statement, sinabi ni GSIS President at General Manager Rolando Macasaet na maari nang mag-apply ng consolidated loan, pension loan, at policy loan sa pamamagitan ng online application sa website ng ahensya.

Para mag-apply ng loan, sinabi ni Macasaet na maari lamang mag-download at mag-fill out ng application form na available sa https://www.gsis.gov.ph/downloadable-forms/.

Kapag makompleto na ang pag-fill out sa application form, maari na itong ipadala sa pamamagitan nang pag-e-mail sa GSIS sa area na nasasakupan.

Bukod sa application form, kailangan ding isumite ang electronic copy ng GSIS temporary o UMID card; valid ID na may litrato at lagda; at picture ng aplikante na hawak-hawak ang accomplished application form nito.

“The GSIS is exerting all efforts to ensure uninterrupted service delivery to our members and pensioners. This online loan application process is just one of the proactive measures we are taking to serve the urgent financial needs of our members and pensioners during this time of crisis,” ani Macasaet.