Nag-alok ang state pension fund na Government Service Insurance System (GSIS) ng emergency loan program para sa mga miyembro at pensioner sa Davao Del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental at Davao City na naapektuhan ng flash flood at landslide dahil sa malakas na pag-ulan.
Sinabi ng GSIS na ang mga kwalipikadong miyembro na walang umiiral na emergency loan ay maaaring humiram ng hanggang P20,000 sa ilalim ng GSIS Emergency Loan program.
Samantala, ang mga may balanse sa emergency loan ay maaaring humiram ng hanggang P40,000 para mabayaran ang kanilang outstanding emergency loan balance.
Makakatanggap pa rin sila ng maximum net amount na P20,000.
Ang mga karapat-dapat na aplikante para sa emergency loan ay mga aktibong miyembro na naninirahan o nagtatrabaho sa mga lugar na idineklara bilang mga calamity areas.
Sinabi ng GSIS na ang mga aplikante ay dapat walang nakabinbing administratibo o kriminal na mga kaso at may resultang net take-home pay na hindi bababa sa P5,000.
Ang utang ay may interest rate na 6% at isang tatlong taong termino ng pagbabayad.
Ang mga miyembro at pensioner ay maaaring mag-applyy para sa loan gamit ang GSIS Touch mobile application at sa iba pang sistema ng naturang ahensya.