-- Advertisements --
Naglaan ang Government Service Insurance System (GSIS) ng halagang P18.5 bilyon na emergency loans para sa mga biktima ng bagyong Carina at habagat.
Ayon sa GSIS na isang makakatulong ito sa nasa 864,089 na mga miyembro at pensioners nila na nasa Metro Manila, Batangas at Rizal na isinailalim sa state of calamity.
Para makapag-aplay aniya ay dapat ang isang miyembro ay hindi nasa unpaid leave, walang nakabinbin na administrative o legal cases, at mayroong nasa na na buwanang hulog.
Maaring makakuha ang mga miyembro ng nasa P20,000 na loan at maari silang mag-apply mula July 26 hanggang Oktubre 28.