-- Advertisements --

Matatanggap na ng mga Government Service Insurance System pensioner ng mas maaga ang kanilang cash gift.

Ito ay magsisimula na pagsapit ng Disyembre 6 ng kasalukuyang taon batay na rin sa naging anunsyo ng GSIS.

Sa isang pahayag, sinabi ni GSIS President at General Manager Wick Veloso na automatic na papasok ito sa e-card ng bawat pensyonadong miyembro.

Ang naturang cash gift ay katumbas ng isang buwanang pensyon na aabot sa sampung libo piso.

Samantala, ianunsyo naman ng GSIS na sila ang naglaan ng aabot sa P3.47 bilyong para sa cash gift.

Ito ay nakatakdang ipamahagi sa mahigit 300,000 na matatanda at disability pensioners.