-- Advertisements --
Nagbitiw na sa pwesto si Government Service Insurance System (GSIS) President at General Manager Jesus Clint Aranas.
Kinumpirma ito ni GSIS Vice President Marge Jorillo.
Sa liham ni Aranas kay Pangulong Rodrigo Duterte na may petsa ngayong araw Hulyo 2, nanindigan siyang isinulong niya ang interes ng GSIS at mga miyembro nito.
Sa kanyang trabaho, sumunod raw siya sa mga batas at hindi kailan man isinuko ang kanyang integridad.
Hindi naman malinaw ngayon kung ano ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.