-- Advertisements --

Tinanggap ni Golde State Warriors guard Gary Payton II ang kanyang $9.1 million player option para sa 2024-2025 season.

Ibig sabihin, mananatili pa rin sa koponan ng GSW ang tinaguriang ‘young glove’ para sa susunod na seasoon, kasama na ang posibilidad ng extension sa Warriors.

Nakatakda sanang maging free agent si Payton ngayong offseason pero mas pinili pa rin niyang maging bahagi ng Warriors

Si Payton ay naging bahagi ng 2022 championship ng GSW. Pagkatapos ng championship, siya ay kinuha ng Portland Trailblazers ngunit kinalaunan ay bumalik din sa Warriors.

Sa nakalipas na season, nakapaglaro lamang si Payton sa loob ng 44 games dahil sa ibat ibang mga injuries.

Bagaman malaki ang naging ambag niya sa 2022 championship ng Warriors, labis na naapektuhan ang kanyang performance dahil sa mga tinamong injuries kung saan sa 44 games na kanyang inilaro ay nag-average lamang siya ng 5.5ppg, gamit ang 56.3% shooting.

Sa nakalipas na season, nabigo ang GSW na pumasok sa playoff matapos matanggal sa unang round ng Play-In Tournament kontra sa nakalabang Sacramento Kings.