-- Advertisements --

Bagamat hindi pumabor sa inaasahan, nirerespeto umano ni Golden State Warriors head coach Steve Kerr ang resulta ng 2024 US Presidential Elections.

Maalalang isa si Steve Kerr sa mga masugid na sumuporta kay Democratic presidential candidate, VP Kamala Harris.

Ayon kay Kerr, naniniwala siya sa demokrasya. Dahil sa nagsalita na ang mga mamamayan ng US, wala umano siyang ibang hangad kundi ang magtagumpay si Trump sa susunod na apat na taon.

Giit ng batikang coach, nais niyang magtagumpay ang US kayat nais niyang maging matagumpay ang pamumuno ni Trump.

Sa gitna aniya ng iba’t-ibang mga nangyayari tulad ng mga giyera sa ibang bansa, hamon sa global economy, at iba pa, umaasa si Kerr na makapaghahatid si Trump ng kabutihan sa mga mamamayan.

Sa pag-endorso ni Kerr kay Harris dalawang buwan na ang nakakalipas, sinabi nitong taglay ng pangalawang pangulo ang lahat ng katangiang dapat taglayin ng mga lider tulad ng integridad, katapan, integridad, at pagmamahal sa mga mamamayan.