-- Advertisements --

Muling tinalo ng Golden State Warriors ang New Orleans Pelicans sa kanilang back-to-back na laban ngayong araw, 104-89, sa kabila ng hindi paglalaro ng dalawang star player ng GSW na sina Stephen Curry at Andrew Wiggins.

Kahapon (Oct. 31) ay unang nagharap ang dalawa at tinambakan ng GSW ang Pelicans ng 18 big points, 124 – 106.

Pinangunahan ni Buddy Hield ang Warriors at kumamada ng 21 points habang 16 points at apat na rebounds ang kontribusyon ng forward na si Jonathan Kuminga.

Hindi umubra ang 12 points, 11 rebounds ni Pelicans bigman Zion Williamson kasama ang 23 points ng shooter na si Jordan Hawkins para patumbahin ang Warriors na dalawang game nang hindi nakakasama sina Curry at Wiggins.

Sa kabuuan ng laro, hawak ng GSW ang lead laban sa Pelicans, dala ng ipinasok na 41 shots habang 33 shots lamang ang naipasok ng kalaban. Nasa 54 points mula sa kabuuang 104 points na ipinasok ng Warriors ay mula sa paint area o katumbas ng mahigit 50%.

Hawak na ngayon ng Warriors ang 4-1 win/loss record habang nabaon sa tatlong pagkatalo at dalawang panalo ang Pelicans.