-- Advertisements --

Tatapusin pa lahat nina Commission on Election (COMELEC) commissioner Rowena Guanzon at Comelec Chairman Sheriff Abas ang lahat ng kanilang mga trabaho bago ang tuluyang pagretiro sa Pebrero 2.

Sinabi ni Guanzon na mayroong 53 na resolutions ang kaniyang tatapusin ng hanggang hatinggabi ng Pebrero 2.

Tiniyak naman nito na kahit na retirado na siya ay magpapatuloy pa rin ang kaniyang pagkikipaglaban sa mga maling gawain.

Pinayuhan naman ni Abas naman ang mga commisisoners na pag-usapan na lamang nila ang anumang hindi pagkakaunawaan at huwag idaan ito sa social media.