-- Advertisements --

(Update) Binatikos ni dating Comelec commissioner Rowena Guanzon ang dismissal ng First Division ng poll body sa disqualification case laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Base sa 41-pahinang resolusyon na sinulat ni Commissioner Aimee Ferolino, nakasaad na “lack of merit” ang dahilan kung bakit ibinasura ng First Division ng Comelec ang consolidated disqualification cases laban sa dating senador.

Sa kanyang Twitter account, kinuwestiyon ni Guanzon ang naturang desisyon sa pagsasabi na paano aniya na-convict si Marcos Jr. kung ang sinasabi ng First Division ng Comelec na walang batas na nagpapataw ng parusa sa non-filing ng income tax returns.

Magugunita na bago pa man nagretiro si Guanzon ngayong buwan, inakusahan niya si Ferolino nang pagde-delay sa release ng desisyon sa disqualification cases laban kay Marcos Jr. para ma-invalidate aniya ang kanyang boto.

Mariing itinanggi ni Ferolino ang naturang akusasyon at sinabi na si Guanzon daw ang siyang totoong sumusubok na maimpluwensyahan ang kanyang ruling.

Mababatid na ibinase ng mga petitioners ang kanilang disqualification cases laban kay Marcos Jr. sa argumento na pinagbawalan siyang humawak sa anumang posisyon sa gobyerno matapos siyang ma-convict dahil sa kabiguan niyang makapaghain ng kanyang income tax returns mula 1982 hanggang 1985.

bing

Nakasaad sa resolution na iniakda ni Ferolino na salungat sa iginigiit ng mga petitioners, ang parusang perpetual disqualification dahil sa kabiguan na makapaghain ng income tax returns ay hindi nakasaad sa orihinal na 1977 National Internal Revenue Code.

Ang naturang parusa ay ipinatupad lamang kasunod nang effectivity naman ng Presidential Decreee 1994 noong Enero 1, 1986.

Nakasaad din sa ruling na ang non-filing ng income tax returns ay hindi krimen base sa moral turpitude.

Pero kinontra ito ni Guanzon at inihalimbawa ang ilang dating rulings ng Supreme Court.

Ang pag-alma ng dating Comelec official ay inilathala rin nito sa kanyang Facebook account.