Handa rin tapatan ni Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon ang kasong isasampa laban sa kanya ni dating National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema kaugnay ng panghuhothot umano nito ng P2-milyon.
Sa isang panayam sinabi ni Guanzon na ihahanda na rin niya ang kasong isasampa laban kay Cardema habang nakabinbin pa ang hiwalay na kaso nitong may kinalaman sa disqualifation sa Comelec 1st Division.
Imbis na sa tanggapan ng poll body, ihahain umano ng opisyal ang kaso sa Regional Trial Court sa kanyang bayan sa Negros Occidental.
Nanindigan si Guanzon kontra sa pagsisinungaling ni Cardema dahil mali-mali umano ang mga impormasyong inilatag nito sa kanyang akusasyon.
Gaya ng pakikialam umano ng Comelec official sa appointment ng isang DPWH director sa Iloilo kahit hindi naman siya residente roon.
Para kay Guanzon, dapat pagtuunan na lang ng pansin ni Cardema ang kanyang ihaharap na depensa kapag lumakad na muli ang pagdinig sa disqualification case nito.
Batay sa naunang desisyon ng Comelec 1st Division, kinansela ang nominasyon ni 34-anyos na si Cardema sa Duterte Youth party-list dahil sa pagiging overaged nito.
Sa ilalim kasi ng batas, hindi maaaring mag-represent ng Youth Sector sa Kongreso ang indibidwal na 30-years old pataas.