-- Advertisements --

Hinamon ni Commissioner Rowena Guanzon ng Comission on Election (COMELEC) si presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr na maglabas ng pahayag kung talagang wala siyang kinalaman sa pagkakaantala ng pagpapalabas ng resolution sa disqualification case nito.

Dagdag pa nito na nararapat na maglabas na ng pahayag ang dating senador dahil alam niya na malalagay sa panganib ang buhay nito.

Paglilinaw nito na hindi siya kalaban dahil sa may special na pagsasamahan ang pamilya nila sa mga Marcoses at isa na diyan si Senator Imee Marcos.

Iginiit nito na ang maagang pagpapalabas ng disqualification case ni Marcos Jr ay makakatulong pa ito sa kaniya dahil sa makakagawa pa ng remedyo ang kampo nito.