May pananagutan si Commission on Election (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon sa ginawa nitong pagbunyag na bumuto siya para madisqualify sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa si dating senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Sinabi ni Aaty. Romulo Macalintal Jr, na dapat hindi inilabas sa publiko ni Guanzon ang naging boto nito sa disqualification case ni Marcos.
Mananatili kasing confidential ang boto ng mga commissioner hanggat hindi ito nailalabas sa publiko.
Nanawagan din si Macalintal sa COMELEC na panagutin si Guanzon sa ginawa nitong pagbubunyag.
Magugunitang inilabas ni Guanzon sa publiko ang pagpabor nitong na ma-disqualify si Marcos Jr na tumakbo sa pagkapangulo at inakusahan ang ibang komisyon na pinapatagal ang pagpapalabas ng desisyon.