Pinabulaanan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ang balita na aprubado na ng poll body ang substitution bid ni dating National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema.
Sa isang tweet, sinabi ni Guanzon na ang resolusyon na nilagdaan ni Comelec chairman Sheriff Abas ay nagbibigay lamang ng due course sa application for subtitution ni Cardema.
Ibang usapan naman aniya kung qualified ito para mag-substitute sa mga umatras na nominees ng Duterte Youth party-list.
“Can he substitute? Is Cardema qualified to be representative of Duterte Youth? That is not yet decided,” ani Guanzon.
Iginiit ng Comelec commissioner na ang issue naman sa resolusyon na inihain ni Cardema, na nagnanais na palitan ang kanyang asawa bilang first nominee ng Duterte Youth party-list, ay kung naihain niya ito bago ang May 13 elections.
Nitong Miyerkules lang sinabi ni Comelec Chairman Sheriff Abas na mayroon nang resolusyon para sa substitution bid ni Cardema.