-- Advertisements --

Binigyan ng pagkilala ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong ang security guard na nagsauli ng napulot nitong bag na naglalaman ng P1.4 milyon.

Ang guwardiyang si Albert Bautista ay nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ay nakapulot ng bag nitong Enero 4.

Nakalagay aniya ang pera sa trolley bag na naiwan sa upuan ng Arrival Area.

HInd nagdalawang isip si Bautista at ito ay ipinasakamay sa mga nakatalagang Airport Police at natuntun din nila ang may-ari ng bag na si Mayor Hanie Bud ng Maluso, Basilan.