Apat umanong teams ang nag-aagawan din na makuha ang serbisyo ng NBA superstar na si Kevin Durant para sa next season ng NBA.
Magsisimula na rin sa susunod na linggo na makipag-usap si Durant sa mga top executives ng Brooklyn Nets, LA Clippers, New York Knicks at Golden State Warriors.
Naging bahagi na si Durant sa naturang mga teams sa nakalipas na tatlong season.
Batay sa ulat ni ESPN’s Adrian Wojnarowski ang pakikipagharap ni Durant ay maaring face-to-face meetings o kaya “communications by other means” kasama ang kanyang business manager na si Rich Kleiman.
Kung maaalala ang 30-anyos na si Durant, 30, ay dumanas ng Achilles tendon sa kaliwang paa sa Game 5 ng NBA Finals.
Bago ang kanyang injury inaasahan sana na siya ang pinakaunang pag-aagawan ng mga teams pero naibsan daw ito dahil sa natamong injury na maaaring makaapekto sa kanyang hindi paglalaro sa maraming games ngayong papasok na season.
Una nang napaulat na ang two-time NBA Finals MVP ay tinanggihan ang $31.5 million player option sa Warriors at sa halip ay posibleng tanggapin daw ang five-year maximum na $221 million offer sa ibang team.
Meron namang koponan ang posibleng alukin siya sa apat na taon sa halagang $164 million.