-- Advertisements --

Tiniyak ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa publiko na maisasama na ang Commission in Human Rights (CHR) sa mga susunod na reports sa isinasagawang review sa pagkamatay ng mga indibidwal na inuugnay sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Sinabi ito ni Guevarra matapos kumpirmahin na naisumite na sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inital report sa imbestigasyon na isinagsawa ng inter-agency panel.

Ayn kay Guevarra, ang report na naisumite nila sa opisina ni Pangulong Duterte ay partial pa lamang, ibig sa bihin ay hindi pa kompleto.

Paglilinaw pa ng kalihim, layon naman talaga nilang makipagtulungan sa CHR sa imbestigasyon na ito.

Samantala, sinabi ni Guevarra na naantala ang trabahabo nila sa reports na ito bunsod ng COVID-19 pandemic at travel restrictions sapagkat nahirapan silang magkaroon ng access sa records.

Nauna nang binatikos ng CHR ang hindi pagsama sa kanila sa inter-agency panel, kung saan sinabi ni Commissioner Karen Gomez-Dumpit na salungat ito sa commitments na ginawa ng pamahalaan sa 44th Session of the Human Rights Council.

Doon tiniyak kasi aniya ni Guevarra sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) member-states na bumuo ang pamahalaan ng high-level team na siyang sisilip sa umano’y human rights abuses sa kasagsagan ng kampanya kontra iligal na droga.