-- Advertisements --

Inamin ni national basketball team head coach Yeng Guiao na dismayado ito sa ilang naging pasya ng PBA kaugnay sa kanilang paghahanda para sa FIBA World Cup.

Bago ito, napagdesisyunan ng PBA Board na huwag nang ikonsidera ang pagsabak ng Gilas Pilipinas sa Jones Cup.

Lumabas din ang ulat na hindi umano sang-ayon ang liga sa paglalaro ni naturalized center Andray Blatche bilang import sa Commissioner’s Cup dahil sa ilang technical issues.

Sa kabila nito, ayon kay Guiao na nauunawaan niya kung bakit naging ganito ang kapasyahan ng PBA.

Sinabi ng beteranong coach na maghahanap na lamang daw ito ng win-win solution upang maresolba ang hinaharap nilang isyu.