-- Advertisements --
Gilas Pilpinas coaching
Gilas Pilipinas/ SBP image

Dumaan umano sa matinding paghimay ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao bago inilabas ang Final 12 players na sasabak sa FIBA World Cup na gaganapin sa katapusan ng buwan sa China.

Sinabi ni Guiao, sa ginawang pagsasanay ng koponan at ang ilang tune-up games sa training camp sa Spain at dito sa bansa ay nabuo ang desisyon sa pagpili ng nararapat na manlalaro.

Sa nasabing mga manlalaro ay hindi na napasama sina Matthew Wright at Poy Erram na may injury at ang center na si Beau Belga.

Aminado pa ang national basketball head coach na nahirapan sila sa decision sa pagpili ng Final 12.

Unang iprenisinta kay Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) chairman emeritus Manny V. Pangilinan at president Al Panlilio bago ang pormal na anunsiyo.

Nakatakdang magtungo sa China ang Gilas bukas bilang paghahanda sa FIBA World Cup kung saan nakahanay sila na harapin ang malalakas na team na Serbia at Italy at sa huli ang Angola.

Ang national players ay pangungunahan ni naturalized player Andray Blatche, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Mark Barroca, Robert Bolick, Paul Lee, Gabe Norwood, CJ Perez, Roger Pogoy, Troy Rosario at Kiefer Ravena.

“These are the 12 gallant men who will fight for flag and country in the FIBA Basketball World Cup 2019 in China,” ani Panlilio. “But they would not have gotten this opportunity if it were not for the sacrifices of all the players, coaches, and staff that helped along the way throughout the FIBA Asian Qualifiers. This is YOUR Gilas Pilipinas and they’ll do their best to represent the 100 million Filipinos and promote the Philippine brand of basketball on the world stage.”

Gilas final 12
Gilas final 12 / SBP image