-- Advertisements --
yeng guiao fiba
Yeng Guiao

Handang magbitiw si Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao matapos ang bigong kampanya ng national team sa FIBA World Cup.

Ayon kay Guiao na inaako niya ang lahat ng pagkatalo ng national team sa nasabing torneo.

Rerespetuhin niya ang magiging desisyon ng Samahang Basketball ng Pilipinas kung sakaling sibakin ito sa puwesto.

Magugunitang noong 2018 ng italaga si Guaio bilang coach matapos na bumaba sa puwesto ang dating coach na si Chot Reyes.

Aminado ito na kailangang ng isang taon na ensayo ang Gilas para mapaghandaan ang anumang international tournament.